Anong pwedeng gawin sa “nag-aangas” na kapitbahay?

Noong mga nakaraang buwan nagkaroon ng incident. Yung papa ko galing work (gabi) tas mayroong mga grupo ng kabataan na mga uminom ng alak, nagsabi sa harap mismo niya habang nasa kotse siya na “gusto niyo ba hampasin ko tong sasakyang to?”, syempre si papa nagalit at sa loob ng sasakyan namin may baseball bat at hinamon niya tong mga kabataan. Tinawag ako ni papa para may kasama siya then kumuha ako ng dalawang kutsilyo pang depensa rin sa sarili. Nagkausap naman on the spot at sa huli “nagka-ayos” at nagkamayan din sila. (Yung isa sa mga kabataan napag-alaman kong member ng frat Tau Gamma at malamang yung iba member din.)

After “magka-ayos” yung mga kabataang yun ang mga nanunubok ng pasensya ko. Maraming incidents na pag napapadaan ako sa basketball court (panay basketball sila) nandyan na yung sinasabihan na ako ng masama pinagtatawanan, mga insulto. Ilang beses na nangyari ito but as much as possible minemaintain ko yung composure ko dahil nga 18 years old na ako considered adult na kailangang mag isip before action, kapag pinalagan ko naman bigla baka makulong pa ako dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa street fight. Kayang-kaya ko namang lumaban dahil nagte-training po ako ng MMA and at the same time applicant din po kasi ako sa AFP kailangang malinis ang pangalan ko and sa ayaw ko man at sa hindi pag naging ganap na sundalo ako yung mga ganoong klase ng tao po-protektahan ko kung kinakailangan.

(09/10/2024) Ang latest incident, nagkabrown-out sa amin, habang naglalakad ako papuntang kotse namin para magcharge (gabi nangyari kaya hindi ko nakilala at nakita kung ano ang itsura) may dumaang nakamotor then nagsabi “Tang ina mo kalbo” (kalbo po ako) sa tingin ko kabilang yun sa mga nang-iinsulto sakin noong una pa lang.

Gusto ko pong malaman kung ano ang dapat kong gawin ngayon pa lang, hindi kung kailan worst case scenario na at baka hindi na rin ako makapagpigil. Ano po bang maaari kong gawin? Thank you!